184

Dec 13, 2019 @ 18:40
By

Bentahan ng iligal na paputok sa Central Visayas pinababantayan

Pinamo-monitor ng Police Regional Office (PRO) 7 ang pagkalat ng mga iligal na paputok, kasabay ng payo na bumuo ng task force ang mga local government unit (LGU) para tuluyang mabantayan ang bentahan ng pyrotechnics, firecrackers at anumang iligal na paputok na kumakalat umano sa Central Visayas.

Ayon kay PRO 7 Director Valeriano de Leon, ang tanging obligasyon ng task force ay tutukan ang mga bentahan ng paputok at malaman ng publiko na may pinatutupad na batas para sa kanilang kaligtasan, matapos dumalo sa meeting ng Regional Peace and Order Council (RPOC) 7.

Sa Cebu City, makikita ang firecracker zone sa South Road Properties (SRP) na kung saan pinahihintulutan ang mga negosyante na magbenta ng paputok. Hindi maaaring magbenta sa labas ng SRP.

Inatasan ni De Leon ang mga alkalde na mahigpit na ipatupad ang ligtas na paggamit ng pyrotechnics at firecrackers, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?