58

May 31, 2018 @ 11:38
By

Bentahan ng dietary supplements, ipinasisilip sa Kamara

Pinaiimbestigahan ni Antipolo Rep. Christina Roa-Puno ang bentahan ng dietary supplements na nagtataglay ng substance na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency (WADA).

Inihain ni Roa-Puno, chairperson ng House committee on youth and sports, ang House Resolution 1915 na layong suriin ang ipinatutupad na regulasyon at batas sa pagbebenta ng dietary supplements.

Ito’y para mapigilan ang mga atleta na makainom ng dietary supplements na may WADA-banned substance.

Importante aniya na mabigyan ng kaalaman tungkol dito ang mga atleta, coaches, team managers, health professionals at iba pang stakeholders.

Ayon kay Roa-Puno, hindi alam ng marami sa bansa ang mga ipinagbabawal na substance ng WADA tulad ng nangyari sa basketball player na si Kiefer Ravena matapos na uminom ng pre-workout drink.

Nagpositibo si Ravena sa Higenamine, 1,3 Dimethylbutylamine, at 4-Methylhexan-2-amine, kaya sinuspinde ito ng FIBA ng 18 buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?