252
Bentahan ng Chinese flag sa Luneta, fake news – National Park Development Committee
By

Bentahan ng Chinese flag sa Luneta, fake news – National Park Development Committee

Nilinaw ng National Parks Development Committee na peke ang trending photos na kumakalat ngayon sa social media kung saan makikita ang ilang vendor na nagtitinda ng mga Chinese flag sa Luneta Park.

Humakot ng mga negatibong komento ang naturang larawan dahil isa umano itong malinaw na pang-iinsulto sa pagkamamamayan ng mga Pilipino.

Una nang ipinagtanggol ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. ang naturang balita at sinabing huwag itong ikabahala dahil gagawin din naman ito sa Philippine-American Friendship day kung saan mga bandila naman ng America ang ibebenta.

Samantala ayon sa report ni Mav Gonzales ng GMA news, nilinaw ng National Parks Development Committee na walang mga vendor sa parke na nagbebenta ng mga Chinese flag.

Nakuhanan umano ng kanilang CCTV ang tatlong Pinoy na diumano’y nagbayad sa mga vendor upang magpose na tila nagbebenta o bumibili ng mga Chinese flag. Ang mga flag ay kinuha umanong muli ng mga lalaki matapos kuhaan ng litrato ang mga vendor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?