215

By

Benta ng ‘Fantastica’ umabot na sa P400M?

Sa ikapitong araw ng Metro Manila Film Fest, umabot na ba sa P400M ang ticket ng sales ng ‘Fantastica’ nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez?

Dati pa man ay nagpapahiwatig na ng ticket sales ang ‘Unkabogable Star’ na mula sa pagtungtong nito sa P100M ay ngayo’y P400M na ang figure na ibinahagi ni Vice nitong Enero 2.

“400 Million THANK YOUS Madlang People!!!! Ipagpatuloy natin ang pagyakap sa SAYA, TAWA at LIGAYA ng maging FANTASTIC ang Bagong Taon natin. #Fantastica,” saad sa tweet ni Vice.

Tinatayang nag-aagawan sa takilya ang movie ni Vice at ang pagsasama nina Coco Martin, Maine Mendoza at ‘Bossing’ Vic Sotto na ‘Jack Em Popoy: The Puliscredibles’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?