32

By

Benta ng ari-arian ng gobyerno, umabot sa P.5B – DOF

Sharing is caring!

Mahigit sa P554.4 milyon ang remittances ng Privatization and Management Office (PMO) sa Bureau of Treasury simula Enero hanggang Setyembre ngayon taon, ayon sa Department of Finance.

Ang halaga ay mula sa napagbentahan ng mga ari-arian ng gobyerno, maging ang mga cash dividends.

Sa ulat kay Finance Sec. Carlos Dominguez, ibinigay ng PMO noong nakaraang buwan lang sa Bureau of Treasury ang tseke na may halagang P289.4 milyon mula sa naibentang shares sa Asean Finance Corp at special cash dividend sa Semirara Mining Corp.

Simula sa pag-upo ni Pangulong Duterte hanggang noong nakaraang Disyembre ang remittances ng PMO sa gobyerno ay umabot sa P286.4 milyon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?