439

Oct 20, 2017 @ 15:17

Benjamin Alvez’ di papayag na mabastos si Julie Anne

Nanatiling matatag pa rin ang relasyon nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose.

Kung inakala ng marami ay hanggang sa teleserye nila na Pinulot Ka Lang Sa Lupa magsisimula at magtatapos ang relasyon nila, nagkamali ang mga mapagduda dahil hanggang ngayon ay sweet pa rin sina Benj at Julie.

Dahil sa pinapakita nilang sweetness sa isa’t isa kaya may mga bashers na naiinggit sa kanila.

Pero nandiyan naman si Benjamin para ipagtanggol ang kanyang ladylove.

“The bashing started to come when Julie and me came out out in public. At the start, nagagalit ako and I feel hindi basta dapat bina-bash si Julie or us.

“Kasi kahit sinong mahal mo sa buhay, hindi mo hahayaang mabastos,” sabi ni Benjamin. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?