16

By

Benilde nalusutan ang Arellano sa PVL

Sharing is caring!

PINADAPA ng College of St. Benilde Blazers ang Arellano University Chiefs, 25-22, 25-22, 25-22 sa 2018 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan ngayong Sabado.

Tinangka ng Chiefs na pahabain pa ang laban subalit hindi na ito hinayaan ng St. Benilde, 25-22.

“Kapag lumalamang kami, medyo nagrerelex agad. Sabi ko ‘ang focus ko ay yung performance natin. Maging disciplined tayo sa laro laro natin, sa responsibility natin,'” ani Benilde head coach Arnold Laniog.

Kumana ng 18 points si Ruvince Abrot samantalang nagdagdag naman ng 10 markers si Owen Bacani. Mayroong tig-12 puntos sina Jesrael Liberato at Christian Dela Paz para sa Arellano.

Mayroong 3-2 kartada ang Blazers samantalang talo lahat ang limang laro ng Arellano.

Susunod na makalalaban ng Benilde ay ang University of the Philippines Fighting Maroons samantalang Far Eastern University naman ang makahaharap ng Arellano University. Gaganapin sa Miyerkules, Agosto 15 ang parehong laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?