134

Jan 12, 2021 @ 14:47
By

Benhur Abalos, Mark Lapid nanumpa na sa harap ni Duterte

Nanumpa na sina newly-appointed Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) board member Mark Lapid sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kahapon, Enero 11.

Pinalitan ni Abalos si Danilo “Danny” Lim na pumanaw noong nakaraang linggo.

Dating alklade ng Mandaluyong City sa Abalos at anak siya ni Benjamin Abalos, Sr. na dating chairman ng MMDA at Commission on Election.

Naitalaga naman si Lapid bilang bagong miyembro ng board of directors ng TIEZA noong Enero 5.

Nagsilbi naman si Lapid bilang acting general manager ng Philippine Tourism Authority sa ilalim ng administrasyon ni Arroyo.

Itinalaga naman siya ni dating pangulong Benigno Aquino III bilang Chief Executive Officer taong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?