By

Benepisyong taglay ng tsokolate

Sharing is caring!

Alam n’yo bang hindi lang nakakataba ang pagkain ng tsokolate? Ito ay dahil may taglay ding benepisyo para sa katawan ang pagkain ng chocolates.

Ayon sa mga pag-aaral, ang chocolates partikular na ang dark chocolates, ay maganda para sa ating mga puso.

Ang mga taong kumakain ng mas maraming tsokolate ay nababawasan ng dalawampu’t siyam na porsiyento sa tiyansa ng pagkakaroon ng stroke.

Mas marami kasing taglay na anti-oxidants ang dark chocolates kumpara sa milk chocolates.

Nakakatulong pa ito sa pagpapababa ng blood pressure at sa pag-iwas sa type 2 diabetes.

Pagkain lamang ng dahan-dahan ang kailangan at hindi ang palagiang pagkain nito dahil ang pagkain ng sobra ay nakasasama rin. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?