209

By

Benepisyong taglay ng kangkong

Sharing is caring!

Hindi natin akalain na ang simpleng dahon na nakikitang gumagapang sa mga tubigan ay may taglay palang benepisyo na kailangan ng katawan ng tao.

Ang kangkong ay isang karaniwang gulay na makikita sa hapagkainan ng mga Pilipino. Ang dahon at maging ang mga tangkay nito ay maaaring kainin bilang salad o ipangsahog sa ilang putahe gaya ng paborito ng mga Pinoy na sinigang.

Ang iba’t ibang bahagi ng halaman ng kangkong ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansiya na may benepisyo sa kalusugan dahil ang buong halaman ng kangkong ay maaaring makuhanan ng protein, fats at vitamins C3 at B2 at l minerals.

Narito ang mga sakit na kayang malunasan gamit ang kangkong.

Hirap sa pagdumi — Ang pagkain sa dahon at mga tangkay ng kangkong ay mabisang gamot para sa hirap sa pagdumi.

Diabetes — Ang kangkong na mayroong mala-lila na bulaklak ay pinaniniwalaang makatutulong sa sakit na diabetes. Kaya naman, pinipili ang dahon na nagmula dito at ipinapakain sa taong may sakit.

Hindi makasuka — Ginagamit din ang katas ng dahon ng kangkong bilang pampasuka (emetic) sa mga taong hirap makasuka lalo na sa mga kaso ng pagkalason.

Impeksyon ng bulate sa tiyan — Maaaring ipainom sa taong may mga parasitiko sa sikmura ang pinatuyong katas ng kangkong.

Ito ay mabisa para maalis ang naninirahang bulate sa tiyan.

Buni — Ginagamit ang dinikdik na dahon bilang pantapal sa mga buni sa balat. Ito raw ay makatutulong sa mas mabilis na paggaling.

Lagnat na may kasabay na pagdedeliryo — Pinangtatapal din ang dinikdik na dahon ng kangkong sa taong dumaranas ng mataas na lagnat at pagdedeliryo.

Hirap sa pag-ihi — May mabuting epekto rin sa taong hirap sa pag-ihi ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng kangkong. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?