77

Jan 1, 2018 @ 17:35
By

Benepisyong nailabas ng GSIS sa 2017, umabot sa P85B

Mula Enero hanggang Nobyembre ng nakaraang taon, lumago ng 13 porsiyento ang benefits at claims na naipamahagi ng Government Service Insurance System (GSIS).

Base sa inilabas na pahayag ng ahensiya, humigit sa P85 bilyon ang naibigay na social insurance benefits and claims ang nailabas sa mga miyembro at pensioner.

Sa katulad na panahon noong 2016 ang disability, funeral, life insurance, pension, retirement at survivorship claims ay nasa P75.1 bilyon lang.

Nabatid na nadagdagan ang monthly old-age pension ng P7.5 bilyon para sa 316,323 pensioners.

Samantala, ang survivorship benefit naman ay umabot sa P338.2 milyon para sa 132,449 pensioners.

Ang life insurance at retirement claims naman ay umabot sa P616.8 milyon at P980.2 milyon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?