106

Ben&Ben’s Paolo Guico sa mga nahihirapan sa buhay: ‘Di pa huli ang lahat

Nag-open up online si Ben&Ben vocalist Paolo Benjamin Guico tungkol sa kanyang personal na kalagayan nitong mga nagdaang buwan, at kung paano niya nalampasan ang mga ito.


“months ago, i wasn’t in a good place. i was heavy spiritually, emotionally, and mentally,” panimula ng musikero.

Nagbago aniya ito dahil sinurrender niya ang lahat kay God, at sinimulan ang active lifestyle para sa ikabubuti ng kanyang mental health.

“Change began when I surrendered it all to God, and lived a life of faith, trust and belief that things will turn out fine,” saad ni Paolo.

“I embraced a more active lifestyle to get to a better mental state. the weight loss, and the rest followed,” dagdag nito.

Nagpasalamat din siya sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga kabanda, mga tagasuporta, at girlfriend na si singer-songwriter Bea Lorenzo.

May mensahe rin si Paolo sa mga nakararanas ng parehong kalagayan:

“point is: to you who is struggling right now, it is never too late to turn things around and become the best version of yourself. let’s lift each other up, not pull each other down.”

Bago ito, nag-post siya ng luma niyang picture na may caption na “brb (be right back) gonna lose weight. see you tonight.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?