12

Oct 1, 2020 @ 12:08
By

Ben&Ben may fundraiser concert para sa balik-eskwela

Para tumulong sa mga pangangailangan ng mga pampublikong estudyante at guro sa distance learning, maghahandog ng online concert ang bandang Ben&Ben.

Gaganapin sa Linggo, Oktubre 4, 2020, ang “Puhon 2: A Ben&Ben Online Concert for Balik-Eskwela Initiatives”.

Mapanonood ang nasabing 1-oras na live show sa official Facebook page at Youtube channel ng Ben&Ben sa ganap na alas-singko ng hapon.

https://www.facebook.com/events/389532049106688/

Ayon sa website ng banda, ang malilikom sa concert ay ipambibili ng learning material para sa mga mag-aaral at care package (gaya ng PPE) para sa mga guro at kawani na mamimigay at mangongolekto ng mga self-learning module.

Katumbas ng P300-donasyon ang basic learning kit, na binubuo ng mga printed module, envelope, lapis, pantasa, at pambura.

Ilan sa mga benepisyaryo ang mga learner mula sa Doña Manuela Elementary School sa Pamplona 3, Las Pinas City; Badiang Elementary School sa Valencia, Negros Oriental; Dungga Primary School sa Malaunay, Negros Oriental; at San Pablo 2nd National High School sa Lubao, Pampanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?