7

May 3, 2021 @ 18:24
By

Ben&Ben, may bagong kanta!

May bago na namang kagigiliwan ang fans ng Pinoy band na Ben&Ben matapos i-anunsyo ng grupo nitong Lunes, Mayo 3, na ilalabas nila ngayong buwan ang unang single para sa bago nilang album.

Sa post sa kanilang official Facebook page, inanunsyo ng grupo na ang unang single para sa bagong album ay pinamagatang “Upuan.”

“UPUAN”
the 1st single from the new album.
out on May 7. pre-save: smarturl.it/BB_Upuan

#BenAndBenComeback

Posted by Ben&Ben on Monday, May 3, 2021

Sa larawan sa kanilang post ay makikita ang isang batang lalaking nakaupo sa isang armchair, habang may katabi rin itong isa pang armchair na walang nakaupo.

Ayon sa kanilang post, sa Mayo 7, Biyernes, nakatakdang ilabas ang bagong single.

Habang sinusulat ang storyang ito ay umabot na sa 45,000 reactions at 7,200 shares sa Facebook ang post ng banda. Sa Twitter naman ay ‘di rin napigilan ng mga fans ang excitement at nagtrending pa nitong Lunes ang hashtag na BenAndBenComeback.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?