9

May 11, 2021 @ 18:12
By

Ben&Ben manghaharana sa Mayo 22

Magdaraos ng isang virtual concert ang OPM band na Ben&Ben sa Mayo 22.

Ang nasabing concert ay ipapalabas sa Kumu Live Events virtual stage at magsisimula sa alas-7:00 p.m. ng gabi.

Inaasahang haharanahin ng banda ang kanilang mga fans sa kanilang mga sikat na awitin gaya ng Leaves, Kathang Isip, Pagtingin, Lifetime, Araw-araw at ‘Di ka Sayang.

Ngunit ang pinakakapana-panabik sa lahat ay ang bagong awitin ng banda na Upuan, na inilabas lamang nila nitong Mayo.

Ang mga tiket para sa naturang concert ay mabibili sa Kumu, kung saan ang general admission ay nagkakahalaga ng P499 habang P999 naman para sa VIP ticket.

Ang mga may VIP ticket ay makakasama sa isang virtual meet-and-greet sa banda pagkatapos ng concert (Mark Joven Delantar)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?