6

Dec 2, 2020 @ 15:20

Ben&Ben kabog ang BTS, Blackpink

Ang Pinoy folk band na Ben&Ben ang most-streamed artist sa Spotify Philippines ngayong taon!

Pinasalamatan ng banda ang kanilang fans para sa nasabing achievement.

“you don’t get to # 1 without the hearts of people who lift you up and the stories that connect us all. thanks for making us the 2020 Top Streaming Artist in the Philippines, on Spotify,” sabi ng banda sa Facebook kagabi.

“this is for all of us,” anila pa.

Pumangalawa sa listahan ng most-streamed artist sa ‘Pinas ang K-pop boy band na BTS, kasunod sina Taylor Swift at Justin Bieber, at ang K-pop girl group na Blackpink.

Bukod dito, ang Ben&Ben din ang number one OPM Artist ng Spotify PH para sa 2020.

Pangatlo naman ang kanta nilang “Make It With You” sa most-streamed tracks sa bansa, kung saan nanguna ang “Imahe” ng Magnus Haven.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?