373

Jul 27, 2018 @ 20:32
By

Ben wagas ang topless

Naaliw ang netizens sa post ni Ben Alves sa Instagram na, “‘Di ko na alam kung mekaniko o macho dancer si Joaquin,” dahil shirtless at labas ang mga pandesal ng karakter niyang si Joaquin, habang inaayos ang nasirang sasakyan ni Claire (Bea Binene) sa isang eksena sa Kapuso morning drama na ‘Kapag Nahati ang Puso’.

Putok na putok ang six-pack abs ngayon ni Ben kaya wagas ang mga pa-topless niya sa nasabing show na napapanood araw-araw bago mag-‘Eat Bulaga’.

Sinorpresa naman ng ‘KNAP’ cast si Sunshine Cruz sa birthday nito kamakailan, na ikinatuwa ng bagong Kapuso actress.

Mas lalo pang iinit ang mga eksena sa ‘Kapag Nahati Ang Puso’ dahil motivated ang cast nito na makipaglabanan sa ratings. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?