2,322

By

Ben Tulfo kay Trillanes: Sabi mo magnanakaw kami, say it to my face!

Sharing is caring!

Hinamon ng brodkaster na si Ben Tulfo si Senador Antonio Trillanes IV na sabihin nang harapan ang alegasyon nitong magnanakaw silang magkakapatid na Tulfo.

Naghamon si Tulfo habang humaharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa nakwestyong advertising contract ng Department of Tourism (DOT) at People’s Television Network, Inc. (PTNI/PTV4)kung saan kumita ng millyon-milyon ang Bitag Media Unlimited, Inc., kumpanya ni Tulfo.

“Maraming nagsasabi kami raw ay magnanakaw. Kapag isang bagay na ninakaw, e bakit mo isasauli. Ang may sabi nyan (tumingin kay Trillanes) si Sen. Trillanes. Narinig ko ‘yan sa TV, sa interview ng GMA7,” sabi ni Tulfo sa opening statement sa pagdinig.

“Kung tatanungin ko mamaya si Sen. Trillanes, ang paghuhusga mo nakasira ng husto sa amin. Look me in the eye. Now say it to my face,” hamon ni Tulfo.

Iginiit pa nitong hindi nila isasauli ang natanggap na bayad sa mga naging patalastas ng DOT sa kanilang programa sa PTV4 na Kilos Pronto.

“Saka we faithfully delivered the contract between me and PTV4,” diin ni Tulfo.

Inawat naman si Tulfo ni Senador Richard Gordon, chairman ng Blue Ribbon committe.

Pinagsabihan na hindi puwedeng direktang komprontahin ng resource persons ang mga senador at dapat itong idaan sa kaniya bilang chairman ng komite.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?