324

Jul 30, 2018 @ 8:22

Ben Tulfo ‘di ibabalik ang P60-M ad payments: Mamuti na mga mata niyo!

Binigyang-diin ng brodkaster na si Ben Tulfo, kapatid ni dating Tourism Secretary Wanda Teo, na hindi niya isosoli sa pamahalaan ang P60 milyon kabayaran sa kanyang kumpanya mula sa kontroberisyal ng advertisement deal.

“Sa mga nagsasabing isauli ang pera at hinihintay daw ang P60 M, mamuti na mga mata niyo! Wala kaming isasauli! Sa mga nagsasabing ilegal at nangulimbat kami, eh di sampahan niyo kami ng kaso, tutal nandiyan naman ang COA (Commission on Audit) at Ombudsman!” pahayag ni Tulfo sa kanyang Facebook post noong Hulyo 26.

“Anong isasauli? Maniningil pa nga kami dahil may utang pa sa amin ang principal na PTV-4 doon sa kanilang kliyente, ang DOT (Department of Tourism),” dagdag pa nito.

Matatandaan na nag-ugat ang issue sa 2017 COA report na inilabas noong Abril na nagsasabing nagbayad ang state-run People’s Television (PTV-4) ng kabuuhang P60.010 sa Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) para sa pag-ere ng advertisments ng DOT sa kanyang programa.

Ang abogado ni Teo na si Atty. Ferdinand Topacio ang naunang naghayag na ibabalik ng kumpanya ni Tulfo sa gobyerno na ibinayad sa kanyang P60 milyon.

Samantala, hinamon naman ni Tulfo ang kanyang mga kritiko na patunayang may iregulardidad sa pag-ere ng nasabing advertisement.

Aniya, legal ang kontrata at may kaukulang dokumento ito.

“Kumpleto kami sa kontrata at mga dokumento. Legal ang ginawa namin. Nai-deliver at tinrabaho namin. Gusto niyo ng pruweba?” ani Tulfo.

“Nandito sa amin sandamakmak na mga video na nai-produce ng PTV-4 na ipinalabas sa Kilos Pronto nationwide, worldwide at sa social media. Patunayan niyo ang sinasabi niyong conflict of interest sa hukuman!” wika pa nito.#

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?