61

Dec 23, 2017 @ 14:39

Ben Mbala, ramdam na ang pagsipa sa kanya sa UAAP

Inamin ni La Salle star Ben Mbala na ang walang kasiguruhan na paglalaro niya sa UAAP ang nagtulak sa kanya para maghanap ng ibang raket at sumali sa koponang Fuerza Regia sa Liga Nacional de Baloncesto Profesional sa Mexico.

Sabi ng Cameroonian player, hindi na niya hihintayin pa ang desisyon ng liga kung karapat-dapat siyang lumaro sa susunod na season base sa binuhay na “seven-years-out-of-high-school” rule.

Sakali kasing gamitin ulit ang patakaran, na sinuspinde ng nagdaang dalawang seasons, hindi maaaring makalaro si Mbala sa Green Archers.

Ramdam umano ni Mbala na hindi pabor sa kanya ang sitwasyon dahil sa history niya sa liga kung saan pinatawan siya ng 1-year ban ng UAAP matapos maglaro sa Pacquiao Challenge Cup noong 2014 na labag sa patakaran ng collegiate league sa mga manlalaro nila na nagsisilbi ng residency.

“The uncertainty of playing next year especially knowing my history with the league,” ani Mbala sa Spin.ph.

“I just got used to things not going my way. I really expected them to bring that rule just to make (me) ineligible,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?