67

Dec 22, 2017 @ 12:50

Ben Mbala nilayasan na ang La Salle

Hindi na masisilayan si two-time UAAP MVP Ben Mbala sa kanyang final season sa La Salle dahil sumama na ito sa Mexican pro team na Fuerza Regia.

“It is with a heavy heart that I announce that the time has come for me to move on from De La Salle University and the Green Archers,” pahayag ni Mbala sa kanyang Twitter account @benmbala.

“I want to publicly thank boss ECJ, the managers, coach Aldin and the rest of the coaching staff, and all my teammates for the incredulous opportunity that have been givwn during my time there,” dagdag pa nito.

Unang naglaro sa Southwestern University si Mbala noong 2012 bago lumipat at naglaro sa La Salle noong Season 79 kung napag-champion nito ang Green Archers bago nag-runner sa Season 80.

Sa kanyang dalawang season sa UAAP, dinomina ito ni Mbala kung saan nakuha nito ang back to back MVP awards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?