130

Nov 29, 2017 @ 17:45
By

Ben Mbala, namakyaw ng UAAP 80 awards

Pormal na tinanggap ni La Salle big man Ben Mbala ang back-to-back MVP award kanina bago nagsimula ang Game 2 ng UAAP Season 80 basketball tournament finals sa Smart Araneta Coliseum.

Binitbit ni Mbala ang defending champion De La Salle mula elimination round hanggang best-of-three finals kontra Ateneo.

May average na 26 points, 13.1 rebounds, 2.5 blocks at tig-1.3 assists, at 1.3 steals, hinirang din si Mbala na PS Bankable Player of the Season at Shell V-Power Most Efficient Player of the Season. Kasama rin ang Cameroonian sa Mythical Five.

“This is for you guys. Next one the Championship,” hayag ni Mbala.

Dahil sa mga hinakot na awards, si 6-foot-7 Mbala ang may pinakamalaking nauwing cash na umabot sa P120,000.

Ang ibang miyembro ng M5 ay sina Thirdy Ravena ng Ateneo, Alvin Pasaol ng UE, Jjay Alejandro ng NU at Ricci Rivero ng DLSU.

Rookie of the Year si Juan Gomez de Liano ng UP, si Rivero ang Most Improved Player. Milo Nutri-Up Your Galing Performance award ang UP Fighting Maroons squad. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?