43

Aug 28, 2020 @ 23:46
By

Ben Mbala muntik sapakin si Aldin Ayo

Tila takaw sa gulo ang UST Growling Tigers coach na si Aldin Ayo.

Ito ang binunyag ng dating manlalaro nito na si Ben Mbala noong sila’y magsama sa La Salle, kung saan ayon sa Cameroonian star ay madalas silang magtalo ng coach.

“In the beginning, it was a little tough because I had a lot of pride. It was tough for me to just surrender and [to] go with the flow, go with the system,” saad ni Mbala sa At The Buzzer podcast.

Aniya pa, may punto pa umano na muntik na silang magkasapakan ng kanyang dating mentor.

Ilang linggong hindi nagpansinan sina Ayo at Mbala, hanggang pagbatiin sila ng namayapang Danding Cojuangco.

“That’s how we were able to find a way in agreement to sit down and talk, or else… we both know coach Aldin had big pride, and I did too, but we wanted the same thing,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?