34

By

Ben Mbala ‘igagapos’ ng La Salle

Sharing is caring!

Tinik sa lalamunan ng Ateneo Blue Eagles ang Came­roonian na si Ben Mbala kaya’t paghahandaan nila itong mabuti sa best-of-three Finals ng UAAP men’s basketball na sisiklab sa Sabado sa Mall of Asia Arena, ayon kay Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

Sa buong season, mala-monster ang ang lahat laro ni Mbala at nitong huling laban kontra Adamson sa semis, nagtala ng 27 points at 14 rebounds.

Kahit nasagad ang twice-to-beat edge bilang No. 1 team pagkatapos ng eliminations, nilaglag ng Eagles ang FEU 88-84 sa Final Four at balik ang karibalan ng Ateneo at La Salle sa Finals.

“La Salle’s not a one-man team,” giit ng chief assitant ni Tab Baldwin. “It’s an Ateneo and La Salle game, we’ll treat it as a normal game.

“We don’t have an illusion that it’s gonna be an easy game for us.

“We’re gonna prepare well for the next game. We have a chance to write our own history,” dagdag ni Arespacochaga. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?