20

By

Ben Affleck nakalabas na ng rehab

Sharing is caring!

Nakunan ng photo ang Hollywood actor na si Ben Affleck for the first time since pinasok siya sa isang rehab facility in Malibu, California noong nakaraang buwan.

Nakunan ng paparazzi ang 46-year-old Oscar winner na naka-fitness attire sa labas ng kanilang bahay.

Ayon sa report, hindi pa tapos si Ben sa kanyang rehab, pero allowed siyang lumabas para mag-workout kasama ang kanyang therapist at rehab coach.

“He travels to and from in patient to work out. It is all part of his regime outline by his rehab,” ayon sa E! News.

Na-trigger daw ulit ang pagiging alcoholic ni Ben nang makipaghiwalay sa kanya ang girlfriend niyang si Lindsay Shookus. Ang latest girlfriend niya, ang Playboy model na si Shauna Sexton ay sinabi na wala siyang kinalaman sa pag-inom muli ng aktor. Kapag lumalabas daw sila, hindi umiinom si Sexton.

Ang estranged wife ni Ben na si Jennifer Garner ang nag-stage ng intervention para muling ipasok ito sa rehab. Ito ang ikatlong pagkakataon na ma-rehan si Ben for alcohol addiction.

Ngayon ay mas healthier na raw tingnan si Ben dahil sa treatment na natatanggap niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?