170

Aug 11, 2021 @ 13:05
By

‘Belo the belt?’ Vicky dinurog ng mga netizen dahil sa ‘insensitibong’ ad

Inulan ng batikos ang isang advertisment ng Belo Medical Group dahil sa umano’y body shaming at mental health shaming content nito.

Sa kanilang adverisement na pinamagatang “#PandemicEffect,” makikita ang isang babae na umupo sa sala at nanood ng telebisyon. Habang naririnig ang mga bad news patungkol sa pandemic, unti-unti ring nagbabago ang itsura ng babae — dahan-dahan itong nagkaroon ng tigyawat, nag-iba ang porma ng kilay, tumaba, at nagkaroon ng mahabang buhok sa kilikili at legs.

Anang mga netizen, sensitibo ang ipinakita sa advertisement dahil tumatalakay ito sa body image issues at mga insecurity ng kababaihan.

Dahil dito, kabilaang batikos ang natanggap ng naturang medical group.

Kasalukuyang binura na ng kanilang Facebook page ang naturang advertisement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?