belo-medical-group

Belo Medical Group, makakasuhan sa ‘di rehistradong produkto – FDA

Sharing is caring!

Maaaring maharap sa kasong administratibo at kriminal ang Belo Medical Group (BMG), na pag-aari ni Dra. Vicki Belo, dahil sa patuloy na pagbebenta umano ng hindi rehistradong cosmetic products.

Anang Food and Drug Administration (FDA) sa ulat, ilang mga empleyado rin ng BMG ang maaaring kasuhan ng contemp o obstruction of justice sa alegasyong hindi nito pagpapahintulot sa mga operatiba ng ahensiya na masiyasat ang klinika ng kompaniya at botika nito.

Ito’y matapos madiskubre ng FDA na nagbebenta ang BMG ng 11 skin care products na walang rehistrasyon sa pamamagitan ng pagmamanman at test-buy operation sa klinika ng BMG sa Alabang, Muntinlupa City noong Pebrero 9.

Nauna nang inutusan ang BMG na tanggalin sa merkado ang naturang mga ‘di rehistradong produkto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?