29

Apr 1, 2020 @ 17:33
By

Belmonte sa mga raliyista may food packs kayo!

Pinabulaanan ng Quezon City government ang akusasyon ng mga nahuling raliyista mula sa Barangay Bagong Pag-asa na kaya sila lumabas at nagsagawa ng protesta ay dahil hindi sila nakatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan.

“In fact, there is continuous distribution of food packs throughout the city, both from the local government and the barangays to ensure that affected families are looked after during this crisis period. As per COA guidelines, all recipients of food packs must be properly documented and the city government wishes to assure the public that this is strictly being complied with, and documents are available for scrutiny in the interest of transparency,” paliwanag ni QC Mayor Joy Belmonte.

Gayunman, inatasan ni Belmonte ang kaniyang mga tauhan na rebyuhin ang mga listahan upang matiyak na lahat ay nabibigyan ng tulong mula sa QC gov’t.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?