1,027

Jun 14, 2021 @ 16:41
By

Belmonte kay Lacson: Tikas ni Leni ‘wag maliitin

Pinalagan ni Quezon City 6th District Rep. Jose Christopher ‘Kit’ Belmonte ang pagmamaliit umano ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa tikas ni Vice President Leni Robredo.

Ito ay kaugnay ng pahayag ni Lacson nitong Lunes na mayroong busilak na puso si Robredo, na isang mahalagang karakter daw ng isang lider ng bansa.

Gayunpaman, sinundan ito ng senador na hindi sapat sa isang pinuno ang pagkakaroon lamang ng busilak na puso.

“But we all know na hindi naman pwedeng lang yung busilak yung puso yung uupo and kailangan merong toughness at iba pang qualities,” wika ni Lacson sa isang panayam.

Kaya naman agad na pinagtanggol ni Belmonte, na siyang Secretary-General ng Liberal Party, ang ‘toughness’ ng pangalawang pangulo.

“Alam ng mga talagang may kilala kay VP Leni: She’s way, way tougher than she’s portrayed,” wika ni Belmonte na naka-post sa opisyal na Facebook page ng Liberal Party.

“Alam ito ng kahit sinong naka-interact na siya. Don’t discount Leni Robredo’s toughness. Hindi laging kailangan pa-macho para maging tunay na strong,” dagdag pa ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?