178

Belmonte dinepensa si Arroyo kaugnay ng Batanes caretaker

Sharing is caring!

Ipinagtanggol ni dating Speaker Sonny Belmonte si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa akusasyong mapaghiganti at may kinikilingan umano sa isyu ng pagtatalaga ng caretaker ng Batanes.

Si Belmonte ang dating caretaker ng Batanes na itinalaga ni dating Speaker Pantaleon Alvarez ilang linggo matapos pumanaw si dating Batanes Rep. Henedina Abad.

Pero itinalaga ni Arroyo si Deputy Speaker Rosemarie Arenas bilang kapalit ni Belmonte,.bagay na inalmahan ng Liberal Party.

Sabi ni Belmonte, prerogative ng Speaker ang pagpili ng caretaker para matiyak na patuloy na matutugunan ang mga pangangailangan ng distrito at mga constituent nito.

“In my time as Speaker, the only hint of tradition or custom on the appointment of caretaker was that the Deputy Speaker covering the area would be designated as caretaker if the Speaker himself or herself is unable to take on the role,” paliwanag ni Belmonte.

Dahil hindi anya kinuha ni GMA ang papel ng pagiging caretaker, sang-ayon si Belmonte na tamang italaga si Arenas bilang ito ang kumakatawan sa Northern Luzon.

Giit ni Belmonte, unfair ang alegasyong vindictiveness at partisanship kay Arroyo.

“She has a free hand in the choice of caretaker, duly considering the needs of the constituents of the lone legislative district of Batanes and my inability to continue performing my duty as such,” ani Belmonte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?