29

By

Bello umapela sa publiko: Maging mabait sa mga Chinese worker

Umapela si Labor Secretary Silvestre Bello III sa publiko noong Lunes (Abril 22) na maging mabait sa mga Chinese worker sa kabila ng tumataas na concern na ang mga dayuhang ito’y inaagawan na ng trabaho ang mga Pilipino.

Dapat umanong isipin ng publiko ang kabutihan ng China sa mahigit 300,000 Pilipino na nagtratrabaho ng ilegal sa China.

“You know, we have to be a little kind to the Chinese because they are very kind to us. How may illegal workers do we have in China? A little over 300,000,” saad ni Bello.

“And then we’d vilify them even if they’re doing nothing. It’s all false reports that they are in the thousands, but when we inspect [an establishment] there’s nothing,” dagdag pa niya.

Samantala hindi naman sinabi nj Bello kung saan nakabase ang estimate number ng illegal Filipino workers sa China na kaniyang nabanggit.

Ayon sa huling datos mula sa Philippine Employment Administration, noong umpisang manungkulan si Pangulong Duterte bilang presidente noong 2016 ay mayroon lamang 9, 166 mga Pilipino na ilegal na nagtratrabaho sa China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?