50

Jun 20, 2018 @ 14:45
By

Bello, sumalang sa panel interview ng JBC

Humilera na sa panel interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ang unang grupo ng mga aplikante para sa posisyon ng Ombudsman.

Unang sumailalim sa pagtatanong si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello at bitbit niya ang kopya ng clearance mula sa Tanggapan ng Ombudsman na inisyu lamang kahapon, Hunyo 19, na nagsasabing walang nakabinbing reklamong kriminal at administratibo laban kay Bello.

Tinanong kay Bello ni Retired Judge Toribio Ilaw Jr., kinatawan ng private sector sa JBC, ang kanyang pananaw kaugnay sa ulat ng Global Workers Rights Index 2018 na nagsasabing isa ang Pilipinas sa “worst countries” para sa mga empleyado.

Umalma sa nasabing ulat si Bello dahil katunayan, umiiral umano sa kasalukuyan ang tinatawag na industrial peace at patunay dito ang halos kawalan ng mga inilulunsad na welga.

Ipinagmalaki rin ng kalihim na sa ilalim ng kanyang termino sa DOLE ay umaabot na sa 182,000 ang bilang ng mga kontraktuwal na manggagawa na naging regular sa trabaho.

Tiniyak din ni Bello na sakaling siya ang mapili ng Pangulo sa posisyon ay hindi “magiging political Ombudsman” ang anti-graft body dahil hindi naman siya politiko.

Magiging mahigpit din umano siya sa pagtalima sa timeline o takdang petsa ng pagpapalabas ng mga resolusyon sa kaso.

Bukod kay Bello, sumalang din sa panel interview ang iba pang aplikante na sina Sandiganbayan Associate Justice Efren dela Cruz; Atty. Edna Batacan; Atty. Rey Ifurung at Atty.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?