1,794

Nov 6, 2021 @ 13:48
By

Bello sasapakin si Marcos Jr.

Inihayag ni Partido Lakas ng Masa vice presidential aspirant Walden Bello na susuntukin niya sa mukha si Ferdinand Marcos Jr., sakaling makatrabaho niya ang dating senador.

Ani Bello, ang pagtakbo ni Marcos Jr., sa pagka-presidente sa 2022 elections ay panibagong pagtatangka ng kanyang pamilya na pagsamantalahan muli ang Pilipinas.

Diin pa niya, hindi siya hihingi ng paumanhin tungkol sa mga maaanghang na sinabi niya laban kay Marcos Jr.

“As I said in one of the interviews, they raped country for 14 years. They have not made any apologies to the people, now Bongbong Marcos wants to rape the country for, you know, and running for the — it’s shameless, the way these people are thinking that they just (get) away with constantly raping the country,” lahad ni Bello sa panayam sa “The Chiefs”.

“That is why I will never ever get back… apologize for what I said two weeks ago, which was ‘f-y-m.’ And let me just say this because some people had been saying that ‘what if Marcos gets elected as president and you get elected as vice president, will you work with him?’

“Definitely no. I’d much rather punch him in the face,” aniya.

Kumambiyo si Bello at sinabing, “Of course, I won’t do that, but that will be a very, very great temptation, to hit that fat face of his.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?