16

Dec 28, 2020 @ 9:09
By

Bello sa UK OFW: ‘Wag muna magbakasyon dito

Minungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa United Kingdom na nagpaplanong magbakasyon sa Pilipinas na ipagpaliban muna ang balak.

“Uuwi dito, magbabakasyon. Maka-quarantine ng 14 days. Sayang ‘yung panahon eh. Edi hintayin na lang nila na gaganda ang panahon,” ani Bello sa isang panayam, Lunes.

“Eh ‘yun ay payo lang naman. Kung gusto nilang umuwi, edi okay lang. Kaya lang dadaan lang ng 14-day quarantine,” punto niya pa.

Minungkahi ito ng kalihim kay Presidente Rodrigo Duterte sa pulong ng Gabinete noong Sabado tungkol sa bagong COVID-19 strain na unang natagpuan sa UK.

Giniit naman ng Pangulo na hayaang pauwiin mga OFW sa nasabing bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?