36

Jun 28, 2020 @ 17:22
By

Bello: Pondo ng OWWA, ‘wag pakialaman!

Nakiusap si Labor Secretary Silvestre Bello III sa gobyerno na huwag galawin ang pondo ng Overseas Workers Welfare Administration na ginagamit para makatulong sa mga naapektuhang OFW ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bello, bilyong dolyar ang pinapasok ng mga Pinoy abroad sa bansa kaya panahon na para sila naman ang tulungan.

“They are sending more than $30 billion a year sa atin… Nakakatulong sa ekonomiya natin. Kaya naman, for once, pay back naman tayo. ‘Wag nating galawin yung pera nila,” pakli ni Bello sa Teleradyo.

Ang pahayag ni Bello ay kasunod ng sinabi ni OWWA chief Hans Leo Cacdac na inaasahang matatapyasan ng P10 billion ang P18.79 billion na pondo nila ngayong taon kung dadami pa ang mga OFW na babalik sa ‘Pinas at mawawalan ng trabaho.

“Dapat gobyerno ang magbigay ng pera para matiyak natin na lahat ng kailangan ng ating mga OFW ay matugunan natin… Bakit naman, for the first time na hihingi naman sila ng tulong, nangangailangan sila ng tulong. Bakit naman kailangan nating galawin yung pondo nila?” giit ni Bello.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?