38

Jul 3, 2020 @ 22:32
By

Bello: Mga labi ng OFW sa Saudi, ‘di pa mabalik sa ‘Pinas

Inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na delayed ang pagpapabalik ng mga labi ng overseas Filipino worker sa Saudi Arabia.

Ayon kay Bello, hindi pa maibiyahe ang mga labi ng kababayan dahil sa nakabinbin pang mga dokumento.

“We regret to announce that the repatriation of the remains of our dear OFWs from Saudi Arabia is being delayed due to the pending release of documentary requirements, and our common desire to strictly adhere to the health protocols in transporting them,” saad ng kalihim.

Aniya pa, extended ang deadline hanggang susunod na linggo, na dapat sana’y mapapaso na bukas, July 4.

Matatandaan na nagbigay ng ultimatum ang hari ng Saudi Arabia para makuha na ang mga labi sa kanilang bansa.

Nasa 353 ang OFW na nasawi sa Saudi, 107 dito ay mga COVID-19 patient na pinayagan na ng World Health Organization na masama sa mga ire-repatriate na labi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?