19

Sep 21, 2020 @ 22:52
By

Bello kay Duque: Galaw-galaw sa sahod ng mga health worker

Nanawagan si Labor Secretary Silvestre Bello III kay Health Secretary Francisco Duque III na pangunahan ang pagtutulak sa Kongreso para magpasa ng panukalang batas na magtataas sa suweldo ng mga health woker sa pribadong sektor.

“In one of our IATF meetings, I appealed to Health Secretary Duque to initiate a proposal to Congress for the upgrading of the wages of nurses and medical workers in the private sector to the level of their counterparts in the public sector,” pahayag ni Bello.

Ani Bello, masyado nang malayo ang agwat ng sahod ng mga health worker na mula sa mga pribadong ospital kung ikukumpara sa mga medical worker sa mga government hospital.

Ito aniya ang dahilan kaya maraming nurse ang naghahanap ng trabaho sa ibang bansa sa halip na maglingkod sa Pilipinas.

“The discrepancy is really big, and that is the reason why many of our nurses in the private sector are looking to overseas employment rather than stay in our country,” dagdag ni Bello.

Umaasa rin si Bello na makikinig ang mga pribadong ospital sa panawagan niya lalo na iyong mga high-end hospital.

Sabi ng Labor chief, kadalasang sampu hanggang 12 oras araw-araw ang duty ng mga private nurse pero sumasahod lang ng P15,000 hanggang P18,000 kada buwan, na mas mababa sa rate ng mga nurse sa public sector.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?