56

Jul 19, 2021 @ 15:51
By

Bello hihirit kay Duterte: ‘Endo bill’ gawing urgent

Susulatan ng Department of Labor and Employment (DOLE) si Pangulong Rodrigo Duterte upang sertipikahang urgent ang endo bill.

“A few hours ago I was talking with Undersecretary Anna Dione and Undersecretary Benjo Benavides because we are going to prepare a letter to the President, his excellency President Rodrigo Roa Duterte to certify the endo bill [as urgent],” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa virtual briefing ngayong Lunes.

Kasalukuyan aniyang nakabinbin sa Senado ang endo bill o “Security of Tenure” bill.

“Pagka sinertify ‘yan, ibig sabihin first in the agenda ‘yan. So hopefully after his SONA [State of the Nation Address], and we get the certification from the President, we will see this bill acted upon by the Senate. Kasi pumasa naman ‘yan sa House of Representatives,” saad ni Bello.

Noong July 2019 nag-veto si Pangulong Duterte sa isang version ng endo bill, na layuning wakasan ang contractualization na humahadlang sa mga empleyado na malasap ang mga karapatang natatanggap ng mga regular na manggagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?