345

Feb 5, 2018 @ 15:09
By

Bello ginawang sinungaling si Duterte sa planong pag-resign sa DOLE

Itinanggi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte magbibitiw sa puwesto para maghanda sa kandidatura sa pagka-senador.

Sa isang pulong balitaan sa DOLE, nilinaw ni Bello na “fake news” o hindi totoo ang ulat na siya ay magbibitiw sa puwesto.

Tinukoy naman ng mga malalapit na kasamahan ni Bello na biro lamang ang tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay tatakbo sa 2019 mid-term elections dahil wala namang plano ang kalihim na magbitiw at muling pumasok sa pulitika.

Si Bello ay naging kinatawan ng 1-BAP Partylist noong 16th Congress.

Naging magkaklase sila ni Duterte sa San Beda College of Law.

Matatandaan na sa talumpati ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo, sinabi niyang babakantehin ni Bello ang kanyang pwesto sa gabinete para paghandaan ang pagtakbo umano niya sa pagka-senador sa 2019 Elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?