94

Jul 20, 2018 @ 12:41
By

Bello diniskuwalipika ng JBC sa pagka-Ombudsman

Mayroon nang shortlist ang Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyon ng Ombudsman na mababakante sa pagreretiro ni Conchita Carpio-Morales sa Hulyo 26, 2018.

Sa deliberasyon ng JBC ngayong araw, kasama sa shortlist sina Supreme Court Associate Justice Samuel Martires, dating Sandiganbayan Presiding Justice at kasalukuyang Special Prosecutor ng Ombudsman na si Edilberto Sandoval, at Atty. Felito Ramirez na fraternity brother ni Pangulong Rodrigo Duterte sa San Beda College of Law.

Samantala, pinatawan naman ng JBC ng disqualification si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ang shortlist ay isusumite ng JBC sa Malacañang at ito ang pagpipilian ni Pangulong Duterte kung sino ang hihirangin niyang kapalit ni Morales sa anti-graft body.

Ang Ombudsman ang may mandato sa ilalim ng 1987 Constitution na mag-imbestiga at maghain ng kaso sa korte laban sa mga opisyal at kawani ng gobyerno na masasangkot sa katiwalian. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?