41

Nov 21, 2021 @ 18:03
By

Belize itinanghal na bagong Miss Earth 2021

Itinanghala bilang Miss Earth 2021 si Destiny Wagner ng Belize sa ginanap na virtual edition ng pageant nitong Linggo.

Binalot naman ng saya si Wagner nang siya ang naging unang kinatawan ng kanyang bansa na nanalo ng isang international crown.

“My country has never placed at Miss Earth before nor have we ever had an international crown. So right now, this is what we needed and I am happy to represent such a gorgeous country,” ani Wagner.

Ang iba pang mga nanalo sa pageant ay sina: Baitong Jareerat Petsom ng Thailand, bilang Miss Earth Fire 2021; Romina Denecken ng Chile, bilang Miss Earth Water 2021; at Marisa Butler ng USA bilang Miss Earth Air 2021.

Samantala, pasok naman sa top 8 ang Philippine bet na si Naelah Alshorbaji. Maraming kababayan ang bumati sa paglalakbay ng kandidata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?