78

Aug 4, 2022 @ 19:01

Belgica sa Ateneo gunman: ‘He’s a madman’

Isang “angry man” ang paglalarawan ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica kay Dr. Chiao Tiao Yumul, ang suspek sa pagpatay kay dating Basilan mayor Rosita Furigay at dalawang iba pa sa Ateneo de Manila University kamakailan.

Sa programang Politiskoop ng Politiko Live nitong Agosto 4 nina Michael Fajatin at Ina Andolong, inamin ni Belgica na minsan nang humingi sa kanila ng tulong at proteksyon si Yumul.

Pinakinggan naman umano nila si Yumul bilang public service pero dahil wala silang hurisdiksiyon sa isyu nito ay inire-refer na lamang nila ito sa mga sangkot na ahensya.

Inasahan na raw ni Belgica na may gagawing masama si Yumol.

“Ang tanong ko sir ito, ‘yung psyche, ‘yung character ‘di ba nakita mo ‘yung mga Furigay, nakita mo si Yumol, inasahan mo ba na magagawa ito ni Yumol?” tanong ni Fajatin kay Belgica.

“Oo nung makita ko siya nung makilala ko siya sa opisina ko alam ko na na may psychiatric tendencies so hindi na maganda. He’s a madman. He’s an angry man. Nung makita ko ‘yung mayor, ‘yung pinatay niya ‘yung biktima niya, eh umiiyak eh sa loob ng office ko umiiyak sabi niyang ganun ‘Sir matagal na ho kami sa public service pero ngayon lang kami naka-experience ng ganitong kaso ng iniskandalo.’ Sabi niya ‘Hindi talaga kami umiiyak.’ Nung nakita niyang umiiyak ‘yung babae pumunta sa akin na nanlilisik ‘yung mata, ‘Paano ang dila niyan asukal ang dila niyan ‘wag ka maniniwala diyan mga ganito ‘yan’,” kuwento ni Belgica.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?