81

Jun 17, 2020 @ 21:17
By

Belgian national ninakawan na, pinatay pa

Idineklarang dead on arrival ang isang Belgian national matapos pasukin sa tinutuluyang bahay ng apat na kawatan sa Villa Angela sa Barangay Villamonte, Bacolod City nitong Miyerkoles.

Ayon sa inisyal na ulat, nanlaban ang biktimang si Carl Nolens, 76, nang kunin ng mga salarin ang bag ng misis niya na naglalaman ng mga pera at alahas dakong ala-1:50 ng madaling-araw.

Namatay siya dahil sa tinamong tama ng bala sa tiyan. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?