53

By

Belga sapol ng P20K multa

Pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office ng P20,000 si Beau Belga dahil sa flagrant foul 2 infraction sa laro ng Rain or Shine at Phoenix nitong Miyerkoles.

Napaaga ang exit ni Belga sa playing court ng Cuneta Astrodome tapos umigkas ang siko at abutin si Jason Perkins.

Bagsak si Perkins, pagtayo ay itinulak naman ang Elasto Painters big man.

Napituhan ng F2 si Belga, sa 10:48 mark lang ng second quarter ay ejected na.

“Nakausap ko na si Belga, nagpaliwanag naman,” ani Marcial. “Just the same, pinagmulta namin siya.”

Natalo ang Painters 86-84 sa last-second mini alley-oop ni RR Garcia mula kay Eugene Phelps.

Tapos ng laro, nabanggit ni Beau na sisindakin lang sana niya si Perkins. Pero ‘di niya inasahang mabigat na F2 ang itatawag.

“Nagse-set siya ng screen sa akin. I was like, para di na maulit, susubukan ko sindakin,” paliwanag ni Belga.

“Expected ko F1. F2, medyo dun ako nayari. Pero wala ako magagawa du’n. It’s their judgment.”

Samantala, sinabi ni Marcial na nire-review pa ang insidente sa Dubai – ang suspected hit ni Mike Miranda ng NLEX kay San Miguel Beer import Dez Wells.

Nagkapisikalan sa kalagitnaan ng second quarter ng 98-94 win ng Beermen, na-technical sina Jericho Cruz ng Road Warriors at Kelly Nabong ng SMB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?