87
Belga sa Rain or Shine magreretiro
Sep 5, 2019 @ 17:45
By

Belga sa Rain or Shine magreretiro

Wala nang balak umalis si Beau Belga sa Rain or Shine Elasto Painters nang mabalitaang sumang-ayon ito sa bagong two-year contract extension.

Sabi ni Belga, masaya siya sa koponan at pinahahalagahan ang tiwala ng nina RoS owners Raymund Yu at Terry Que.

“Wala na, hindi na ako naghahanap ng iba. Dito na siguro (retirement). Okay na ako. Kung dati gusto kong malipat, ngayon hindi na,” wika ni Belga sa panayam ng SPIN.ph.

“Maayos naman ‘yung mga bosses. Mababait, hindi naman mahirap kausap.”

Tila natuwa rin ito sa ipinapakitang suporta sa kanya ng Rain or Shine management ukol sa pagpayag sa kanyang makilahok sa mga practice ng Gilas Pilipinas.

Handa namang suklian ng 32-anyos na power forward ang kabutihan ipinakita sa kanya ng kanyang koponan.

“Kailangan lang suklian ‘yung tiwala ng mga boss. Kailangan magpakita para ‘yung tiwala hindi mawala hanggang sa mag-retire siguro,” panapos niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?