99

Jan 22, 2021 @ 21:54
By

Belga magiging Road Warrior

Nagprodyus ng dalawang Philippine Basketball Association (PBA) championship sa Rain or Shine noong 2011-16 ang Extra Rice tandem nina Beau Michael Vincent Belga at Joseph Ronald ‘JR’ Quiñahan.

Pero nagwatak-watak ang tatlo nang manatili sa RoS si Belga, si Quiñahan sa trade saGlobalPort (NorthPort na ngayon) Batang Pier taong 2016 bago napadpad sa sumunod na taon sa NLEX, na pinuntahan din ni Guiao noong 2016 nang lisanin ang Elasto Painters.

Sa pagkawala ng big man niyang si John Paul Erram nitong 2020 sa TNT, tinatrabaho ngayon ni Guiao na makuha si Belga sa RoS para sa reunion nilang tatlo ni Quiñahan sa Road Warriors, ayon sa ulat Biyernes ng gabi ni Eduardo ‘Dodo’ Catacutan Jr. ng Spin.ph.

Kung sumablay, nasa radar din ni Guiao sina Victorino ‘Vic’ Manuel ng Alaska Milk at Justin Chua ng Meralco.

Pero hindi para magkawala ng key player ng bench tactician makakuha lang ng malaki. Gagamitin niya lang ang dalawang first round pick (3rd-4th) sa 36th PBA Rookie Draft sa March 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?