610

By

Belga lilipat ng SMB?

Sharing is caring!

Natanong si Rain or Shine big man Beau Belga kung ano ang pakiramdam nito na nakasabay niya sa isang laro ang San Miguel Beermen players sa tune-up game ng Gilas Pilipinas kontra Jordan kung saan nanalo ang huli, 98-92, Lunes ng gabi sa Meralco Gym.

Ang apat na Beermen ay sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, at Christian Standhardinger.

Pabiro nitong sinagot ang tanong ng mga reporter.

“Gusto ko nga lumipat ng San Miguel. Ang sarap pala,” ani Belga.

“Masarap kasama ‘yung mga tao na pamilyar na sa isa’t isa. Kasama ko ‘yung apat na San Miguel, parang ang dali ng buhay sa akin,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?