938
Belga kumasa sa hamon ni Blatche
Aug 1, 2019 @ 14:34
By

Belga kumasa sa hamon ni Blatche

Hindi umatras si Beau Belga sa pambubuska ni Andray Blatche, na naging daan pa para makahirit ng Game 4 ang Rain or Shine kontra powerhouse team na San Miguel.

Matapos ang laro, naitanong kay Belga kung bakit sobra ang saya ni Blatche noong makapasok siya ng tres sa last two minutes.

“Binibiro niya kasi ako, ‘take one more, take one more’ sabi niya sa akin,” ayon kay Beau.

Sumunod naman si Belga sa utos ni Blatche, bumitaw ng tres, 11.2 ang nalalabi sa game clock para maitarak ang lamang na 110-104 at maitakas ang panalo.

“So nataon, saka crucial pa so saya lang,” aniya pa.

Tumapos ang RoS bruiser ng may 16 points, pitong rebounds at anim na assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?