36

Nov 26, 2021 @ 23:06
By

Belga 2 taon pa sa RoS

Pumirma ng two-year deal extension si Beau Belga para sa Rain or Shine Biyernes.

Inanunsyo ito ng Elasto Painters sa kanilang social media page.

Kasama sa contract signing ng basketbolista sina team governor Atty. Mamerto Mondragon, alternate governor Edison Oribiana, active consultant at basketball operations head Carlos Garcia, assistant team manager Jireh Ibanes, at player agent Danny Espiritu.

Nag-average ang 34-year-old, 6-foot-4 center/forward sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup semi-bubble sa Bacolor, Pampanga nitong Oktubre, ng 9.27 points, 5.91 rebounds at 2.55 assists per game.

Umabot sa quarterfinals ang Yu-Que franchise.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?