22

Nov 5, 2019 @ 9:10
By

Belangel Player of the Week

Malaking bagay para sa Ateneo Blue Eagles ang kanilang pagdiretso sa Finals ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament 2019 sa tulong ni sophomore player SJ Belangel na patuloy na nananalasa para sa koponan.

Sa pagtatapos ng 14-game eliminations nitong nakaraang Miyerkoles kontra UP Fighting Maroons, nagtala si Belangel ng career-high 14 points sa 5-of-9 shooting sa 13-minutong laro.
Kaya tinanghal siyang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps UAAP Player of the Week.
Kahit pa reserba lang sa ADMU, maaasahan si Belangel na may averages na 6.4 points, 2.1 rebounds, at 1.9 assists.
“Lagi lang ready whether pinapalaro ka or ‘di man,” sabi ni Belangel. “Basta ‘pag nasa bench ka, ‘pag tinawag ka ni coach, laging ready lang. Kahit one minute ka lang, bigay mo lahat.”
Tinalo niya para sa parangal sina La Salle Green Archer Jamie Malonzo, UE Red Warrior Rey Suerte, Adamson’s Mar Prado, at NU’s Jack Animam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?